Kultura at mga Tradisyon sa Pilipinas

Kultura at Mga Tradisyon sa Pilipinas

 
Kultura ng mga Pilipino
• Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.
                             PAGMAMANO
• Paggalang sa Nakatatanda
Isa sa mga kultura ng mga Pilipino ang paggalang at pagrespeto sa nakatatanda. Nagmamano sila at gumagamit ng “po” at “opo” sa tuwing makikipag-usap sila sa mga ito.
PAGPAPAKITANG MAGANDANG ASAL SA BISITA
• Magiliw na pagtanggap sa Panauhin
Ang mga Pilipino ay kilala sa paging “ hospitable” sa mga panauhin sa bahay. Pinaghahandahan nila ang masarap na pagkain at tinatanggap nila ng maayos ang kanilang mga bisita.
Paglagsa ng piyestang Nazareno
• Pagiging maka-Diyos
Ang mga Pilipino ay relihiyoso.
Nakikiisa sila sa prusisyon ng mga santo, at linggo-linggong nagsisimba. Sumasali rin sila sa mga “prayer brigade” tanda ng kanilang pasasalamat at paghingi ng kapatawaran sa Diyos.
                               Bayanihan
• Pagtulong-tulong
Ang “bayanihan” na isang bahagi ng ating kultura na masasabing makaluma o tradisyunal, dahil sa panahong nagsimula ito. Ang konsepto ng pagbabayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at karaniwang paglipat ng isang bahay, na noon ay kubo na gawa sa nipa at iba pang magagaan na materyales, ng kanilang kasamahan patungo sa isang bagong pwesto.
Sinasalamin ng tradisyong ito ang pagkakabuklod-buklod at mapayapang pagsasama at sistema ng tulungan sa isang pamayanan. Likas na matulungin at may malasakit sa kapwa ang mga Pilipino na nagpapalakas ng kaisipang ideyal na pamumuhay noon. Hindi mapagkakaila na ang mga Pilipino ay may pagpapahalaga sa isang lipunang may pagtutulungan at pagkakapit-bisig sa mga panahon ng kaginhawaan at kahirapan. May kaakibat na responsibilidad sa kapwa ang pagiging Pilipino na isa nang manipestasyon hanggang sa mga kapanahunan ngayon.
Paghaharana Ng mga kalalakihan sa mga kababaihan

• Paghaharana
Ang harana o serenata ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ang kumakantang tinig ng lalaking mangingibig.
                          Pamamanhikan
• Pamamanhikan
Ang pamamanhikan ay isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili niyang magulang. Sa ilang lugar ay isinasama pa ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang maimpluwensiyang kamag-anak o kaibigan upang lumahok sa pamamanhikan. Kadalasang may malaking salu-salo sa hapag ang magaganap na pamamanhikan. Dito ay pinag-uusapan ang petsa at pook-kasalan ng mag-sing irog, maging ang ilan pang detalye, katulad ng magiging ninong at ninang, ang paring magkakasal, mga abay, lugar ng kainan, at maging ang listahan ng mga bisita.

Popular posts from this blog

culture and tradition of filipino

Fitness